Tinatayang aabot sa mahigit 700 tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang ipakakalat sa iba’t ibang lugar ngayong summer season.
Ayon kay PNP-HPG Spokesperson, PLt. Nadame Malang, ipakakalat ang mga nasabing tauhan ng HPG upang maging katuwang ng lokal na pulisya sa iba’t ibang bayan at lungsod.
Bukod pa ito sa mga nakatalaga naman sa pagpapatrolya.
Kaugnay naman ng papalapit na #HatolNgBayan2025, sinabi ni Malang na magdaragdag din sila ng mga tauhan na itatalaga sa mga checkpoint.
Ito’y bilang pagtalima naman sa kautusan ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na layuning masala nang maigi ang mga dumaraang motorista.
Pagtitiyak naman ni Malang, paiiralin ng pulisya ang “plain view doctrine” upang hindi malabag ang karapatang pantao ng mga motorista. | ulat ni Jaymark Dagala