Walang magiging epekto sa nalalapit na impeachment trial ni VP Sara Duterte ang resulta ng survey kaugnay sa 2028 presidential elections.
Ayon kay Batangas Rep. Gerville Luistro, isa sa mga prosecutors, sinoman ang mas gusto ng publiko na tumakbo sa pagkapangulo sa 2028 ay hindi nito mapipigilan ang impeachment.
Hiwalay naman aniyang usapin ang paglilitis ng pangalawang pangulo na batay sa inihaing reklamo laban sa kaniya.
“So regardless of the survey as to who is the most preferred presidentiable for the 2028 election, I honestly believe that we have to push through with the impeachment process. There is an impeachment complaint supported by 215 members of the House and as part of the prosecution team it is our constitutional duty to push through with the prosecution of the Vice President with respect to the impeachment complaint that was filed against her. So notwithstanding the fact that there is such a survey, this is a different matter that we really have to address,” ani Luistro.
Katunayan, makakatulong aniya ang impeachment dahil mabibigyang oportunidad si Duterte na linawin ang mga akusasyon sa kaniya.
“Well, this will help the Filipino people decide on who really is to be supported as the next President of the Philippines. Of course ang gusto natin Presidente na may maayos na direction para sa ating bansa at para sa lahat ng mga Pilipino. So I think this is an opportunity also for the Vice President to clear herself from all the allegations as included and incorporated in the impeachment complaint,” sabi pa ni Luistro.
Kung kinokonsidera aniya siya bilang isa sa mga maaaring tumakbo sa 2028 elections ay mainam na masagot aniya ang mga ibinabatong isyu sa kaniya gaya ng maling paggamit ng confidential fund, betrayal of public trust, kasama na ang umano’y payola sa DepEd noong siya pa ang kalihim nito.
“Since kinokonsider siya as one of the presidentiables, I think she should embrace this opportunity para maklaro din ang sarili niya from all the allegations which are being charged against her,” dagdag pa nito. | ulat ni Kathleen Forbes