Isang resolusyon ang inihain ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera upang siyasatin kung naipatutupad nang maayos ang Safe Spaces Act sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng magkakasunod na sexist at gender-based remarks ng ilang kandidato ngayong panahon ng kampanya.
Sa kaniyang House Resolution 2260, pinasusuri ni Herrera kung paano ipinatutupad ng mga ahensya ng gobyerno ang Safe Spaces Act.
Partikular dito ang mga aksyon ng government officials atkandidato na maituturing na harassment at diskriminasyon at bigayn ng karampatang parusa salig sa batas.
Matatandaan na una nang binatikos ni Herrera ang pambabastos ng Pasig congressional candidate na si Atty. Christian Sia na nagbiro tungkol sa solo parents.
Napapanahon na aniya matukoy kung epektibong naipapatupad ang batas sa gitna ng tila pagiging normal na ng mga ganitong uri ng pahayag.
Umaasa rin siyang magbibigay daan ito para ma-asses kung may malinaw na protocol at sapat na kapangyarihan ang DILG, PNP, COMELEC at local government units para imbestigahan, tugunan at parusahan ang mga politiko at public officials na lumalabag sa naturang batas. | ulat ni Kathleen Forbes