IPINAGTANGGOL ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang planong dagdagan ang pork import allocations sa ilalim ng Executive Order 116.
Ayon kay Tiu Laurel, mahalaga ang hakbang na ito upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng baboy sa gitna ng banta ng African Swine Fever at lumalakas na inflationary pressures.
Sinabi ng kalihim na mas tumataas ang panganib ng ASF tuwing tag-ulan, na maaaring makaapekto sa lokal na produksyon ng baboy at magdulot ng kakulangan sa suplay.
Nilinaw rin niya na hindi pa ipinatutupad ang EO 116 dahil kailangan pa itong lagyan ng implementing rules and regulations(IRR).
Sa ilalim ng panukala, dadagdagan ang Minimum Access Volume(MAV) para sa pork imports upang makatulong sa pagpapatatag ng presyo at matiyak ang sapat na suplay ng karne sa merkado. | ulat ni Rey Ferrer