ININSPEKSYON na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office ang itinatayong Kaysakat Water Treatment Plant sa Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal.
Pinangunahan ni MWSS Chief Regulator Patrick Lester Ty ang pagbisita sa pasilidad na inaasahang magsisimula ng operasyon sa ikaapat na quarter ng 2026.
Ayon kay Ty, kayang magproseso ng hanggang 220 milyong litro ng tubig kada araw ang naturang planta upang makatulong sa pagtugon sa lumalaking pangangailangan sa tubig sa East Zone.
Sinabi ng opisyal na bahagi ito ng mga hakbang upang mapalawak ang pinagkukunan ng tubig at mabawasan ang epekto ng tagtuyot, El Niño, at pagtaas ng demand dulot ng urbanisasyon.