Ipinaliwanag ni Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR) Chief PCol. John Guiagui kung bakit nakapatong lamang ang kulay orange na t-shirt sa mug shot ni Sen. Jinggoy Estrada.
Ayon kay Guiagui, walang magkasyang damit sa senador kaya’t ipinatong na lamang ang orange na damit habang kinukunan siya ng mugshot.
Aniya, nagmamadali rin ang mga awtoridad dahil kailangan agad na maiharap si Estrada sa Sandiganbayan at maibalik ang warrant of arrest.
Iginiit naman ng opisyal na walang ibinigay na special treatment kay Estrada.
Dagdag pa niya, hindi ito ang unang pagkakataon na ipinatong ang t-shirt sa inarestong indibidwal na kinukunan ng mug shot dahil sa kakulangan ng sukat ng damit. | ulat ni Diane Lear