Mariing itinanggi ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon ang pahayag ng nagpakilalang Marines na si Jowly Cadiao sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee kaugnay ng umano’y maletang inihatid sa kanya.
Sa inilabas na pahayag, iginiit ni Ridon na pawang “kasinungalingan” ang testimonya ni Cadiao at walang anumang maleta ang naideliber sa kanya sa anumang oras o lugar.
Sa kabila nito, tiniyak ng House Prosecution Panel na tuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Ridon, walang gawa-gawang kwento o maling testimonya ang makahahadlang sa kanilang paghaharap ng katotohanan sa impeachment court.
Habang umiinit ang bangayan sa Senado, inaasahang magiging sentro ng mga susunod na pagdinig ang mga testimoniya at ebidensyang ihaharap ng magkabilang kampo sa nalalapit na paglilitis. | ulat ni Melany Reyes