Sinabi ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio na bagama’t natapos na ang boycott, patuloy namang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng mga paksyon sa Senado.
Ayon kay Tinio, ito ay panibagong yugto ng power struggle at pakikibaka para sa impluwensiya at pananatili sa mataas na kapulungan.
Binanggit ni Tinio na bagama’t nananatiling Senate President si Cayetano, wala na umano itong kontrol sa mayorya at hindi na kayang idirekta ang takbo ng lehislatibong negosyo o protektahan ang kanyang mga kaalyado.
Nagbabala rin si Tinio na ang pagbabago sa pamunuan ng Senado ay magkakaroon ng malaking epekto sa impeachment trial at sa imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee hinggil sa umano’y katiwalian sa mga proyektong flood control.
Nanawagan si Tinio sa Senado na unahin ang impeachment trial at mga imbestigasyon sa katiwalian kaysa sa mga maniobrang pampaksyon.
Anya nakabantay ang publiko sa bawat kilos ng Senado kaya Huwag sayangin ang pagkakataong ito. | ulat ni Melany Reyes