Mariing itinanggi ni Department of the Interior and Local Goverent Sec. Jonvic Remulla na hinarang niya sina Senator Pia Cayetano, Senator Robin Padilla at ang tinaguriang 18 dating Marines sa pagpasok nila sa Senado kaninang umaga.
Sa mensahe ni Remulla sa PNP Press Corps, sinabi nito na papauwi na dapat siya nang biglang pumasok ang grupo nila Cayetano at naharangan na siya papalabas ng Senado
Ayon pa sa kalihim, mag-isa lamang siya kaya wala siyang intensyon na harangan ang mga senador.
Paliwanag ni Remulla, nagpunta siya ng Senado para tingnan ang latag ng seguridad sa paligid nito at tiyaking maayos ang deployment ng Police Security and Protection Group (PSPG).
Matatandaang dinagdagan ng Philippine National Police (PNP) ang puwersa nito sa paligid ng Senado dahil sa inaasahang kilos protesta ng mga taga-suporta ng tinaguriang Cayetano bloc ng Senado. | via Diane Lear