Pinayagan ng Sandiganbayan 2nd Division si Senator Jinggoy Estrada na dumalo sa kaniyang arraignment sa kasong graft sa pamamagitan ng video conference ngayong hapon.
Sa ngayon, ay kasisimula pa lang ng arraigment na nakatakda kaninang 1:30 PM.
Si Estrada ay dumadalo sa pamamagitan ng video conference habang ang kaniyang legal counsel na si Atty. Noel Ostrea ang humarap sa Sandiganbayan.
Nagpasalanat naman si Estrada sa korte sa pagpayag na makadalo sa arraignment sa pamamagitan ng video conference dahil sa kaniyang karamdaman.
Nabatid na may iniindang sakit sa tuhod ang senador o osteoarthritis
kaninang umaga ay ipinagpaliban ang pagbasa ng sakdal kay Estrada sa June 30 para naman sa kaso niyang graft at plunder sa Sandiganbayan 5th Division.
Dahil ito sa inihaing motion to quash ng kampo ni Estrada at hiling na hospital arrest ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan. | ulat ni Diane Lear