Nagpapatuloy pa rin ang ang arraignment ni Senator Jinggoy Estrada dito sa 2nd Division Sandiganbayan para sa kasong graft.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng video conference kung saan dumadalo si Estrada online habang nasa New Quezon City Jail sa Payatas.
Ayon sa legal counsel ng senador na si Atty Noel Ostrea, iniinda nito ngayon ang sakit sa tuhod o ang osteoarthritis.
Sa ngayon natalakay na ang mga mosyon kabilang ipawalang bisa ang kaso at motion to reinvestigate dahil wala umano silang kaalam-alam sa resolusyon ng Office of the Ombudsman.
Narindigan din si Atty. Ostrea na hindi sangkot sa anumang budget insertion o mga kickback scheme si Estrada na may kaugnayan sa mga maanomalyang flood control project. | ulat ni Diane Lear