Binati ng House of Representatives si Sen. Sherwin Gatchalian bilang bagong Acting Senate President.
Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Dy na patuloy na gagampanan ng Senado ang mga tungkuling itinakda rito ng Konstitusyon.
Aniya, ngayon ang panahon na inaasahan ng sambayanan ang katatagan at pamumuno mula sa dalawang kapulungan ng Kongreso.
Nais din ni Speaker Dy na magtagumpay si Gatchalian sa pamumuno sa Senado sa gitna ng mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng bansa.
Una nang nagpahayag ang mga miyembro ng House prosecution panel ng kanilang kahandaan para sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte na inaasahang magsisimula sa Hulyo sa kabila ng pagbabagong naganap sa Senado.