Patuloy na bineberipika ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS) ang mga ulat hinggil sa umano’y bagong istrukturang namataan sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa NTF-WPS, nagsasagawa na ng validation at assessment ang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan gamit ang monitoring, surveillance, at iba pang operational mechanisms upang maberipika ang ulat.
Tiniyak ng Task Force na mahigpit ang koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno para sa komprehensibo at batay sa katotohanang pagsusuri sa sitwasyon.
Nanindigan naman ang pamahalaan na patuloy nitong poprotektahan ang soberanya, sovereign rights, at hurisdiksyon ng bansa sa West Philippine Sea alinsunod sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea at sa 2016 Arbitral Award. | ulat ni Lorenz Tanjoco