Nagdagdag ng puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa bisinidad ng Senate complex habang dumarami ang mga taong nagtutungo roon para magsagawa ng kilos-protesta.
Kasunod ito ng mga pangyayari sa Senado mula pa kahapon, (Miyerkules) kung saan, inaasahan ang mas marami pang magpoprotesta sa lugar lalo’t may panawagang magsagawa ng vigil doon.
Samantala, nanawagan ng kahinahunan at pagpipigil si Nartatez mula sa lahat ng panig habang naghahanda ang mga awtoridad para sa naturang pagtitipon.
Para matiyak ang kahandaan ng operasyon, inatasan ng PNP Chief ang mga lokal at kaugnay na unit ng pulisya na pairalin ang pinakamataas na antas ng pagtitimpi sa pakikitungo sa mga dadalo sa mga pagtitipon.
Nilinaw naman ni Nartatez, na bagaman pinakalas nila ang deployment, limitado lamang ito sa paligid ng senado para tiyakin ang maayos at mapayapang pagtitipon nang hindi naka-aabala sa daloy ng trapiko o seguridad. | ulat ni Jaymark Dagala