Mananatiling nakabantay ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa labas ng Senado habang patuloy ang isyu ng politika at pagtitipon ng mga raliyista sa labas ng pasilidad.
Sa PTV Bagong Pilipinas Ngayon ayon kay PMaj Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO nasa higit 900 na pulis ang naka-deploy sa paligid ng senado.
Sakali namang may manggulo o manghimasok sa mga peace rally na isinasagawa sa labas ng opisina ay handa silang tumugon dito. Pero pagtitiyak nila papanatilihin pa rin ang maximum tolerance lalo na sa mga raliyista.
Matatandaan na mula nang magkaroon ng komosyon sa senado noong Mayo ay halos 24/7 na ang pagbabantay ng mga pulis sa lugar. | ulat ni Louisa Erispe