Patuloy ang pagtulong ng Project NOAH ng UP Resilience Institute para tukuyin ang mga lugar na karaniwang binabaha sa bansa.
Sa programang Bangon Bayang Mahal, ayon kay Dr. Mahar Lagmay Executive Director ng Project NOAH, nakikipagtulungan sila sa Department of Public Works and Highways (DPWH), sa tulong ng ginagawa nilang hazard mapping at research siguradong hindi masasayang ang pondong ilalaan sa flood control projects.
Nakikipagtulungan din naman ang Project NOAH sa mga lokal na pamahalaan para magkaroon ng drainage master plans, at flood simulations para maagapan ang matinding pagbaha.
Para naman sa publiko maaaring mag-download ng NOAH Studio application para hazard maps, satellite images at forecasts. | ulat ni Louisa Erispe