Suportado ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isinusulong ng Senado na pagkakaroon ng special session para sa mga nabinbing panukala, dahil sa kaliwa’t kanang tensyon na naganap sa Senado, nitong mga nakalipas na linggo.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, para kasi sa taumbayan ang mga panukalang ito, na dapat na agad maaral at maaksiyunan.
Si Pangulong Marcos aniya, sa oras na matanggap ang pormal na kahilingan ng Senado para sa pagdaraos ng isang special session ay agad na aaksiyon dito.
Umaasa ang Palasyo na mapa-plansta na ng Senado ang gusot sa kanilang hanay sa lalong madaling panahon.
Kaugnay nito, binigyang diin ng Malacañang na ang liderato ni Senator Win Gathalian ang kinikilala ng Palasyo.
“Well, anyway, ganito iyan ‘no, sabi nila, sila ang magre-request for special session. So, as soon as the new leadership will send the official request for special session address to the President. Then the President will act immediately on that.” -Castro | ulat ni Racquel Bayan