RTVM screengrab
Hindi ito-tolerate ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kung magpapatuloy hanggang sa mismong araw ng SONA ang nagaganap na gusot sa hanay ng mga senador.
Pahayag ito ni Communications Usec. Claire Castro, kasunod na rin ng insidente ng tulakan nina Senador Robin Padilla at Secretary Jonvic Remulla sa Senado kaninang umaga (June 4).
Ayon kay Castro, dapat nang maayos ng Senado ang mga suliranin sa loob ng kanilang institusyon, at dapat na silang magkaroon ng kaayusan sa lalong madaling panahon.
”Umayos kayo.” — Castro.
Lalo’t ayon kay Castro, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na makaapekto sa ilang bahagi ng SONA ng Pangulo ang nagpapatuloy na sigalot sa Senado, lalo na kung maaantala ang pagpasa ng mga panukalang kailangan ng administrasyon.
Sa kabila nito, binigyang-diin ni Castro na si Pangulong Marcos ay nakatutok lamang sa pagsusulong ng mga programa at panukalang makakatulong sa publiko. | ulat ni Racquel Bayan