Opisyal nang ipinadala ng Philippine Navy ang BRP Miguel Malvar para lumahok sa taunang Rim of the Pacific (RIMPAC) Exercise sa Hawaii.
Pinangunahan ni Navy Flag Officer in Command, Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta ang isinagawang send-off ceremony sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales kahapon.
Ayon kay Ezpeleta, ito ang muling pagbabalik ng Pilipinas sa naturang pagsasanay buhat noong 2022 kaya’t mapagtitibay nito ang committment bilang ‘credible partner’ sa ilalim ng kanilang SAIL Plan 2040.
Dito, palalakasin ng Navy ang pagpapahalaga sa disiplina, propesyunalismo at excellence sa pagiging kinatawan ng bansa sa naturang pagsasanay.
Bukod sa BRP Miguel Malvar, lalahok din sa nasabing pagsasanay ang BRP Gabriela Silang ng Philippine Coast Guard.


