Mananatili muna sa pribadong ospital si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan.
Ito, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR), ay hangga’t wala itong clearance para makalabas ng ospital at harapin ang kasong plunder laban sa kanya.
Ayon kay CIDG-NCR Chief, PCol. John Guiagui, tumataas pa rin ang blood pressure ni Bonoan dahil sa pinaniniwalaang pagbabara ng puso nito kaya kailangan ito ng patuloy na monitoring.
Pinapaubaya naman na ni Guiagui sa mga doktor ang pagdedetalye ng medical record ni Bonoan dahil sila lang ang makakasagot sa health condition nito.