Pinasinayaan na ang bagong gusali at pasilidad ng Mindanao State University (MSU)–Zamboanga Sibugay School of Nursing–Ipil Extension sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.
Ang inagurasyon at seremonya ng pagbasbas ay pinangunahan ni Sibugay Governor Dulce Ann K. Hofer, kasama si Vice Governor Richard Olegario, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga opisyal ng unibersidad, at mga miyembro ng faculty,.
Dumalo rin sa naturang okasyon ang mga mag-aaral ng nursing na nakatakdang makinabang sa mga pinagbuting pasilidad na akademiko, at espasyo para sa pagsasanay ng institusyon.
Ang bagong tayong pasilidad ay nagpapakita ng patuloy na pagtatalaga ng pamahalaang panlalawigan sa pagpapalakas ng mga oportunidad sa edukasyon, at paghubog ng mga may kakayahan at mahuhusay na propesyonal sa kalusugan — sa pamamagitan ng pinabuti at modernong learning environments.
Nabatid, na ang edukasyon ay isa sa mga prayoridad at tinututukan ni Governor Hofer na mapalago kaakibat ng kanyang pagsisiksp na mapaunlad ang ekonomiya ng lalawigan. | Lesty Cubol, Zamboanga Sibugay
📸 Zamboanga Sibugay Provincial Government



