Biyaheng Iloilo City si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama si First Lady Liza Marcos para daluhan ang ikatlong Commencement Exercises ng College of Law ng West Visayas State University kung saan ay nagturo ang Unang Ginang.
Alas-2 mamayang hapon inaasahan ang Pangulo at si First Lady Liza na napag-alamang nagsilbing part-time faculty member noong 2022 at nagturo ng Criminal Law 1.
Batay sa impormasyon ay nagturo din ang Unang Ginang ng mga subject na Public International Law, Administrative Law, at Civil Law Review sa WVSU College of Law.
At Noong 2024 ay ginawaran ang First Lady ng Unibersidad ng Doctor of Laws, Honoris Causa.
Kasama din sa aktibidad ng Pangulo at FL Liza ang gagawing pangunguna sa inagurasyon ng College of Law Building kung saan makakasama sina Department of Public Works and Higjways (DPWH) Secretary Vince Dizon at Commission on Higher Education (CHED) Chairperson Shirley Agrupis. | ulat ni Alvin Baltazar