Muling magsasagawa ng tatlong araw na Balik Eskwela In-Store Diskwento Caravan ang Department of Trade and Industry (DTI) Capiz alinsunod sa UPLIFT Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Ang caravan ay magsisimula sa Hunyo 5 at magtatagal hanggang Hunyo 7.
Layunin nito na matulungan ang mga pamilya sa paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng pagbibigay access sa murang bilihin habang tinitiyak ang kapakanan ng mga mamimili.
Sa ilalim ng naturang caravan ng DTI Capiz, hindi bababa sa sampung tindahan mula sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ang mag-aalok ng mga promo packs, bundled deals, at exclusive tie-ups sa iba’t ibang school supplies at essential commodities.
Bago ang nakatakdang caravan ngayong linggo, nauna nang naging matagumpay ang BNPC In-Store Diskwento Caravan na isinagawa ng ahensya noong Mayo. | JP Hervas, RP Iloilo
📸 DTI Capiz



