Nagbababala ang Department of Health (DOH) sa publiko na wag maniwala sa mga pekeng website o page na ginagaya ang DOH para magbenta ng mga produktong panlunas sa kanser.
Ang nasabing produktong ito ay hindi aprubado o kinikilala ng Kagawaran. Nanatiling neutral ang DOH at walang kinalaman sa anumang komersyal na eendorso o ugnayan.
Paalala ng DOH sa publiko na mag-ingat sa mga mapanlilinlang na marketing strategy na gumagamit ng pekeng testimonya, pekeng endorsement mula sa mga eksperto, at pinalabis na mga pahayag tungkol sa kalusugan. Nai-flag na ng departamento ang nasabing pahina sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa pagtanggal nito. Hinihikayat ang publiko na sundan lamang ang mga opisyal na social media accounts ng DOH. ###