Mas mabilis at maaabot na ng serbisyo ng pamahalaan ang mga Pilipino, partikular na sa pagtugon sa krimen gayundin sa panahon ng emergency.
Ito ang tinuran ni Police Regional Office-6 Director, PBGen. Randulf Tuaño kasunod ng paglulunsad kahapon ng Unified 911 Satellite Command Center.
Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr ang paglulunsad ng Unified 911 sa Leganes Fire Station sa Iloilo City.
Sabayan din itong inilunsad sa iba’t ibang lugar sa bansa gaya ng Batac sa Ilocos Norte, Cauayan City sa Isabela at Tacloban City sa Leyte.
Ayon kay Tuaño, ang pagpili sa kanilang lugar para ilunsad ang pambansang programang ito ay patunay ng kanilang kahandaan na mai-abot ang mabilis, tapat at nararamdamang serbisyo sa publiko.


