Courtesy of MARINA
Mas madali na ngayong makumpleto ng mga Pilipinong marino ang ilang kinakailangang pagsasanay kahit nasa ibang bansa, sakay ng barko, o nasa kanilang mga tahanan matapos payagan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang paggamit ng distance learning at e-learning para sa piling maritime courses.
Ayon sa MARINA, may mga Maritime Training Institutions na awtorisado nang mag-alok ng online training upang mabawasan ang oras at gastusin ng mga seafarer sa pagkuha ng mga kinakailangang kurso.
Kabilang sa mga aprubadong institusyon ang Compass Training Center, Far East Maritime Foundation, Mariana Academy of Maritime Studies, Nautical Options Training Institute of the Philippines, STI Training Academy, Maritime Academy of Asia and the Pacific–AMOSUP Seamen’s Training Center, at VMA Global College and Training Center.
Nagpaalala ang MARINA sa mga marino na mag-enroll lamang sa mga lehitimo at akreditadong training centers upang matiyak na balido at kikilalanin ang kanilang mga sertipiko.