Aabot na sa higit 40,000 residente sa Caloocan City na kabilang sa mga mahihirap at vulnerable sector ang nakinabang sa pamamahagi ng libreng bigas sa ilalim ng Assistance to Indigent Individuals or Families (AIIF) program.
Ang programa ay pinondohan sa pamamagitan ng Local Government Support Fund ng pamahalaan at ipinatutupad sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), solo parents, at iba pang residenteng higit na nangangailangan.
Ayon sa pamahalaang lungsod, layon ng programa na alalayan ang mga mamamayang higit na nangangailangan at bawasan ang kanilang pang araw-araw na gastusin, lalo na sa kalagitnaan ng pandaigdigang krisis.


