Nasa ligtas nang kalagayan ang tatlong overseas Filipino workers (OFWs) matapos ang nangyaring pag-atake sa paliparan ng Kuwait noong June 3.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), pawang mga airport personnel ang napaulat na nasugatan sa insidente at dinala sa ospital matapos makalanghap ng usok.
Nakalabas na ang tatlo subalit kinailangan pang ipagpatuloy ng isa ang pagpapagaling sa bahay matapos siyang magtamo ng minor wounds sa braso at anit.
Sinabi ni Migrant Workers Office Sec. Hans Leo Cacdac, na patuloy ang kanilang monitoring sa 3 OFW habang tiniyak nito ang tulong na ibinibigay sa kanila ng pamahalaan.
Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang Pilipino sa ibayong dagat ang maiiwan, at tiyak na mahahatiran ng tulong lalo na sa pinaka-kumplikadong sitwasyon. | ulat ni Jaymark Dagala