Screenshot
Naglabas ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng tsunami warning sa ilang coastal areas matapos tumama ang magnitude 7 na lindol sa bahagi ng Sangani ngayong umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, posibleng tumama ang unang tsunami waves sa pagitan ng 7:37AM-9:37AM.
Dahil dito, inirekomenda na ng PHIVOLCS na agad na lumikas at magtungo sa matataas na lugar ang mga residente sa costal areas ng Sarangani, Davao Occidental, Tawi-tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat at South Cotabato
Dapat ring ilayo ang mga bangkang nasa daungan at pinapayuhang manatili naman sa malalim na parte ng dagat ang mga pumalaot nang bangka hanggang magkaroon ng bagong update.