Nagpahayag ng pagkabahala si ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Mindanao ngayong umaga, kasabay ng unang araw ng pagbubukas ng klase.
Ayon kay Tinio, dapat magtulungan ang mga ahensya ng gobyerno upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong guro, mag-aaral, at komunidad, at matiyak ang kanilang kaligtasan.
Batay sa paunang ulat, naapektuhan ng lindol ang ilang paaralan, kabilang ang gusali ng Notre Dame of Dadiangas University sa General Santos City.
Nanawagan din si Tinio sa mga local government unit (LGU) na magsagawa ng masusing inspeksyon sa mga gusali ng paaralan at agad na kumpunihin ang anumang pinsala upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro.
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagsusuri sa kalidad ng school infrastructure at mga pamantayan sa konstruksyon.
sinabi rin ni Tinio na kailangang palakasin ng pamahalaan ang pamumuhunan sa disaster-resilient school infrastructure. | ulat ni Melany Reyes