Aabot sa 15,865 pamilya o katumbas ng 73,172 indibidwal ang naapektuhan ng malakas na lindol na tumama sa General Santos City, batay sa pinakahuling ulat ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o RDRRMC 12.
Sa displacement data na ipinalabas, naitala ang 2,509 pamilya o 7,532 indibidwal na lumikas mula sa kanilang mga tahanan kung saan bilang na ito, 2,501 pamilya o 7,492 indibidwal ang pansamantalang nananatili sa 18 evacuation centers.
Samantala, nakapagtala ang mga RDRRMC 12 ng 32 nasawi, 144 nasugatan, at apat na indibidwal na nawawala. Patuloy pa rin ang beripikasyon at validation ng casualty data sa pakikipag-ugnayan ng mga local government unit at iba pang kinauukulang ahensya.
Sa kasalukuyan, papatuloy na mas pinigting ang mga response operation ng RDRRMC 12 kasama ang lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensya ng gubyerno upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente at mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga lugar na sinalanta ng lindol. | ulat ni Macel Dasalla | RP Davao






