Ikinalungkot ng Department of Education (DepEd) Davao City Division ang pagkasawi ng aspiring Ateneo de Manila University Blue Eagles player at 2025 Palarong Pambansa Most Valuable Player Rene Clert Baterbonia.
Ito’y matapos masawi sa isang team-building activity ng Ateneo Basketball Team sa Dipaculao, Aurora nitong Hunyo 8, 2026.
Sa inilabas na pahayag, labis na ikinalungkot ng DepEd Davao City ang biglaang pagkamatay ni Baterbonia na nagbigay ng karangalan hindi lang sa lungsod kundi maging sa buong Davao Region matapos pangunahan ang team nito sa Gold Medal ng dalawang magkasunod na taon sa Palarong Pambansa.
Ayon sa pahayag, maaalala ang atleta hindi lang sa kanyang leadership at pagiging kampyon kundi sa pagbibigay inspirasyon sa ibang batang atleta.
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang nasabing tanggapan sa pamilya at iba pang mahal sa buhay ni Baterbonia. | Armando Fenequito | RP Davao
📸 DepEd Davao City Division