Isinagawa ang payout ng cash gift para sa mga senior citizen na edad 80, 85, 90 at 95 anyos sa tatlong lugar sa Davao City.
Ayon kay National Commission of Senior Citizens o NCSC XI Regional Director Cesar Adegue IV, hinati sa tatlong distrito ang payout upang mapalapit sa mga benepisyaryo ang pamamahagi ng cash gift para sa milestone ages, sa ilalim ng Expanded Centenarian Act.
Sa unang distrito, isinagawa ang payout sa People’s Park; sa ikalawang distrito, sa Buhangin Gym; at sa ikatlong distrito, sa Toril Proper Gym.
Bukod sa face-to-face payout, maaari ring kunin ng mga benepisyaryo ang kanilang P10,000 cash gift sa pamamagitan ng awtorisadong kinatawan o kamag-anak, gayundin sa pamamagitan ng electronic fund transfer.
Aabot sa 983 na mga senior citizens ang nakatakdang tumanggap ng kanilang mga cash gift ngayong araw.