Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa posibleng “SECURITY RISK” ng pagpopondo ng mga banyaga sa mga tinatawag na ‘Political Elite’ sa Pilipinas.
Ito’y kasunod na rin ng mga nauungkat sa nagpapatuloy na impeachment trial kay Vice President Sara Duterte gayundin naman ang pagsisiwalat ni dating Senador Antonio Trillanes IV na tumanggap ng pera mula sa China ang Second Couple ng bansa.
Sa panayam ng Defense Press Corps kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea, retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad na maaari nitong pahinain ang tindig ng bansa.
Bukod sa paglabag na ito sa rule of law, sumasalungat din ito sa posisyon ng pamahalaan na ipaglaban ang kung ano ang dapat para sa mamamayan nito.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na may implikasyon ang usapin sa pambansang seguridad kaya’t suportado nito ang hakbang ng National Security Council (NSC) na ito’y imbestigahan.