Photo courtesy of Top Gear Philippines
Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na sarado na ang pagtanggap ng aplikasyon para sa pagkilala bilang LTFRB Partner Private Motor Vehicle Inspection Center o PMVIC sa tatlong rehiyon.
Kabilang dito ang National Capital Region, Region 3 o Central Luzon, at Region 4-A o CALABARZON.
Samantala, magsisimula naman ang pagtanggap ng aplikasyon sa Region 7 o Central Visayas sa Oct, 12, 2026.
Paalala ng LTFRB, kailangang isumite ng mga aplikante ang kumpletong aplikasyon at lahat ng kinakailangang dokumento sa Technical Division.
Hindi naman ipoproseso ang mga aplikasyon na kulang o hindi nakatutugon sa itinakdang requirements.