Nag-iwan ng apat na nasawi matapos pagyanig sa buong Davao Region bunsod ng 7.8 Magnitude na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani Province, Lunes ng umaga, Hunyo 8, 2026.
Ito’y base sa inilabas na tala ng Office of the Civil Defense (OCD) 11 ngayong Lunes ng gabi.
Ayon sa report ng OCD 11, ang tatlong namatay ay mula sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental habang ang isa ay galing sa Digos City, Davao del Sur.
Nagtala rin ng 23 sugatan ang nasabing pagyanig mula sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.
Nasa kabuohang 8,593 na mga indibidwal sa buong rehiyon ang natalang apektado sa nasabing pagyanig mula sa 19 na mga barangay.
Sa nasabing bilang ng apektado, 7,036 ang kasalukuyang nasa 12 evacuation centers sa rehiyon. | ulat ni Armando Fenequito | RP Davao
📸 OCD 11