Dumalo sa Preliminary Investigation sa Department of Justice ngayong hapon ang 18 dating bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co.
Ito ay kaugnay sa reklamo nina dating Sen. Antonio Trillanes IV at iba pa matapos silang akusahang tumanggap umano ng maleta na naglalaman ng pera mula sa mga kickback flood control projects.
Ang kasong ito ay nag-ugat sa pagkakadawit ng pangalan ni dating Senador Antonio Trillanes IV para impluwensiyahan umano nito ang International Criminal Court sa imbestigasyon sa extra judicial killings ng nakalipas na administrasyong Duterte, gamit umano ang pera sa maanomalyang flood control projects.
Nadawit din dito ang pangalan nina National Security Adviser Secretary Eduardo Ano, Bucor Chief Gen. Gregorio Catapang, Congresswoman Leila de Lima at Father Flavie na umanoy tumanggap din umano ng male-maletang pera galing sa flood control anomalies.
Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ng mga dating bodyguards ni Co, kinuwestyon aniya ng private complainants kung bakit nadagdagdan na naman ang pahayag ng 18 dating bodyguards ni Co, taliwas sa orihinal na affidavit na isinumite nila sa panel of prosecutors.
Tugon ni Baligod, inisyal pa lang kasi ang isinumiteng affidavit ng kaniyang mga kliyente, at hindi pa nakalagay dito ang lahat ng detalye at kanilang nalalaman na isisiwalat sa isang proper investigation. | ulat ni DK Zarate