Suplay ng inuming tubig, tiniyak ng OCD bilang pagtugon sa epekto ng El Niño sa bansa
Pinalalakas ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga hakbang nito upang maibsan ang epekto ng El Niño sa iba’t ibang panig ng bansa.
Sa katunayan, naghatid ang OCD CALABARZON ng mga bottled water supplies sa Cavite Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Ayon sa OCD CALABARZON, layon nito na magkaroon ng maagap na pagtugon sa potensyal na kakapusan ng inuming tubig dulot ng matinding tag-init.
Paliwanag nila, mahalaga ang pagpoposisyon ng mga kritikal na suplay sa lalawigan upang maibsan ang inaasahang kakapusan sa suplay ng inuming tubig sa rehiyon.