Kinumpirma mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nananatili pa rin ang business at investment confidence ng mga foreign investor sa bansa kasunod ng pakikiisa ng punong ehekutibo sa 33rd Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC Summit 2026.
Sa Kapihan sa Media, sinabi ni Pangulong Marcos na mismong ang iba pang mga kasaping bansa ng APEC at dialogue partners ang nagsabing dinayo nila ang APEC dahil buo pa rin ang kanilang tiwala at kumpiyansa sa Pilipinas pagdating sa usaping pang-ekonomiya.
Sa kabila kasi ng mga nararanasang global headwinds ay nakita ng mga dayuhang mamumuhunan at maging ng ibang bansa ang ipinakitang economic resilience ng Pilipinas.
Testamento nga ng mataas na kumpiyansa ng mga mamumuhunan at negosyo sa Pilipinas ay ang naiuwing higit 40 billion pesos na investment pledges ng Pangulo.
Kabilang na rito ang ang Free Trade Agreement sa Chile at iba pang economic at sectoral cooperations sa iba pang mga bansa. Nakadaupang palad din ni Pangulong Marcos ang mga Electric Vehicle o EV manufacturer at businesses sa China na nagpahayag din ng kanilang interes na palawakin ang kanilang operasyon sa Pilipinas.