Photo screenshot from House of Representatives video
Nanawagan si Bohol Representative Kristine Alexie Besas-Tutor kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na i-certify bilang urgent ang House Bill 833 o ang Disasters and Emergencies Management Act.
Layon ng panukala na tiyakin na ang mga lokal na pamahalaan ay handa at may kakayahang rumesponde sa ano mang kalamidad, kabilang ang lindol at matinding panahon dulot ng El Niño.
Ayon kay m Tutor, hindi na lilikha ng bagong ahensya o kagawaran ang HB 833, dahil naniniwala siyang sapat na ang kasalukuyang Disaster Risk Reduction and Management Offices (DRRMO) ng mga lungsod at munisipalidad.
Nilalayon ng HB 833 na palakasin ang kakayahan ng bawat lungsod at bayan sa pamamagitan ng pagtatatag ng barangay first responders, pagbibigay ng nararapat na benepisyo sa kanilang mahalagang serbisyo, pagpapalakas ng DRRMO units ng mga lungsod at munisipalidad, at pagkilala sa mga pondo para sa implementasyon.
Naniniwala ang lady solon na ang hakbang ay naaangkop na solusyon sa magkakaibang sitwasyon ng mga probinsya, lungsod, at bayan.#