Pinangunahan ng City Engineer’s Office ang pag-inspeksyon sa iba’t ibang mga pasilidad at gusali sa lungsod ng Zamboanga matapos ang naramdamang Instrumental Intensity IV kasunod ng 7.8 Magnitude na lindol sa Maasim, Sarangani kahapon ng umaga.
Nag-deploy si Zamboanga City Mayor Khymer Olaso ng kabuuang 9 na inspection teams upang suriin ang integridad ng mga imprastruktura ng pamahalaan sa lungsod.
Kabilang sa mga ininspeksyon ang City Hall, Sangguniang Panlungsod, Joaquin Enriquez Memorial Sports Complex o Grandstand, at maging ang mga silid-aralan sa parehong east at west coast ng Zamboanga.
Layunin ng inisyatiba na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga gusali’t pasilidad at masiguro ang kaligtasan ng mga kawani ng pamahalaan at ang publiko. | Justin Bulanon | RP Zamboanga
📷 Zamboanga City LGU



