Kinumpirma mismo ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr. na may nakita silang istruktura sa loob ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay Brawner, batay sa isinagawang Maritime Domain Awareness (MDA) ng Philippine Air Force (PAF), may sukat na 6×6 na tila gumagalaw sa fishing lagoon at may mga tao sa ibabaw nito.
Unang inulat ng retired US soldier na si Ray Powell ang na-monitor na man-made structure sa katimugang bukana ng nasabing bahura.
Kasunod nito, iginiit ni Brawner na hindi papayagan kailanman ng Pilipinas na lumaki pa ang istrukturang nasa loob ng traditional fishing ground sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Handa aniya silang magpadala ng mga sasakyang pandagat para patuloy na bantayan ang lugar, habang sinusubukang ayusin ito sa diplomatikong paraan.