Nananatili ang full alert status ng Pambansang Pulisya partikular ang Manila Police District (MPD) sa paligid ng Manila North Cemetery upang bantayan ang inaasahang dagsa ng mga taong bibisita sa mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Jolliet Soriano, Station Commander ng Manila Police District (MPD) Station 3 at Ground Commander ng MNC deployment, aabot sa 270 na pulis ang kasalukuyang nakaposte sa iba’t ibang strategic points sa loob at labas ng sementeryo.
“Kaya nire-remind natin ang ating mga personnel na maging alerto at vigilante. Kasi yun yung purpose nila kung bakit sila nandito at bakit sila naka-assign o nakatalaga dito sa Manila North Cemetery upang siguraduhin, tiyakin na ligtas ang ating mga kababayan.” wika ni Soriano.
Lahat ng mga gate at daluyan ng tao ay may nakatalagang pulis upang tiyakin ang kapayapaan, kaayusan, at mabilis na pagpasok ng mga bibisita sa kanilang mga pumanaw na mahal sa buhay. “Ang nakatalagang police personnel natin at ang ating full force deployment po tayo ngayon dito sa Manila North Cemetery ay 274 yung ating ide-deploy sa labas at loob ng Manila North Cemetery.” dagdag pa nito.