Tinatayang umabot sa mahigit 590,000 ang bilang ng mga pasaherong dumaan sa mga paliparan sa ilalim ng Manila International Airport Authority o MIAA mula Oktubre 27 hanggang 30.
Batay sa passenger tally ng MIAA, umabot sa 590,016 ang kabuuang bilang ng mga pasahero, kabilang ang 288,665 international passengers at 301,351 domestic passengers.
Pinakamataas ang naitalang bilang noong Oktubre 30, na umabot sa 153,895 pasahero, o 4.17% mas mataas kumpara sa 147,739 noong kaparehong petsa noong 2025.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa passenger traffic noong Oktubre 28 at 29, habang bahagyang bumaba naman ang bilang noong Oktubre 27.
Ipinapakita nito ang pagtaas ng bilang ng mga pasahero ngayong taon sa mga paliparan kumpara sa bilang ng mga biyaherong naitala sa kaparehong panahon noong Undas taong 2025.