Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na handa silang umalalay sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Sa isang panayam, sinabi ni DTI Secretary Ma. Cristina Roque na handa silang mag-alok ng loan sa mga MSME na nais makabangon at makabawi sa kanilang negosyo matapos ang lindol.
Mayroon ding Enterprise Rehabilitation Financing (ERF) Program kung saan maaaring makapagbigay ng hanggang ₱300,000 ang mga maliliit na negosyong naapektuhan ng kalamidad.
Sa ilalim ng rehabilitation fund sa unang taon walang interes na babayaran ng mga negosyante ang kanilang load at sa panagalawa at ikatlong taon ay nasa 1 percent lang ang monthly interes. Giit ng DTI, alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., titiyakin nilang hindi mahihirapan ang mga MSME na muling makapagsimula at makabangon ng kanilang mga negosyo, lalo na sa panahon ng sakuna.