Tiniyak mismo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na may sapat na family food packs gayundin ay sapat ang recovery fund para sa mga lugar na pinadapa ng malakas na lindol sa Mindanao.
Ayon kay DSWD Sec. Rex Gatchalian naka-preposition na ang 300 thousand family food packs sa Regions 11 at 12 at maaari na itong agad kunin ng mga loka na pamahalaan.
Isinasaayos na rin ng DSWD ang pag-arangkada naman ng Emergency Cash Transfer program para naman sa mga naapektuhang residente. | via Eph Gaytos