Kasalukuyan nang bineberipika ng mga awtoridad ang ulat tungkol sa umano’y banta sa seguridad ng Senado.
Ito ang kinumpirma ng Malacañang matapos sabihin ng ilang senador na mayroong natanggap na impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng posibleng security threat laban sa mataas na kapulungan.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ipinauubaya na sa mga kinauukulang ahensya ang pagbeberipika at pag-iimbestiga sa naturang impormasyon.
Ang babala ng Malacañang, mananagot sa batas ang sinumang mapatutunayang nasa likod ng anumang banta sa seguridad, senador man o karaniwang mamamayan. “It is now being validated and it has been deferred to the proper authorities. Sa mga nagtatangka, dahil nga may nauulinigan po na ganitong mga security threats, kayo man ay senador o ordinaryong tao na nagsasagawa nito, hindi po kayo makakaligtas sa kamay ng batas.” —Castro.