Pinalakas pa ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang pakikipag-tulungan nito sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA para sa skills training ng mga OFW.
Sa panayam ng programang BOSES kay OWWA Administrator PY Caunan, sinabi nitong pinalakas pa ang skills training cooperation ng OWWA sa mga training centers nito sa Hong Kong, Taipei at Kuala Lumpur na target mapalawak ang skill sets ng mga OFW.
Sa katunayan isang Memorandum of Agreement ang pinirmahan ng OWWA at TESDA kamakailan na nagbibigay ng access sa mga OFW para sa NC2 training, assessment at accreditation. | via Eph Gaytos