Walang maiiwan sa Mindanao.
Yan ang binigyang katiyakan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng malakas na lindol na yumanig sa Sarangani at iba pang parte ng Mindanao.
Sa isang panayam, sinabi mismo ni Department of Public Works and Highways o DPWH Sec. Vince Dizon na mahigpit ang bilin ng Pangulo na matutukan ang kapakanan ng mga apektadong lugar at residente.
Hindi rin basta-basta aalis sa mga apektadong lugar ang pamahalaan hangga’t hindi natitiyak na nasa maayos na kalagayan na ang mga naapektuhan ng lindol. | via Eph Gaytos