Nanawagan sina House prosecutors Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Chel Diokno, at Renee Co sa Senado na huwag ipagpaliban ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon sa kanila, magagalit ang mga Pilipino kung patuloy na maaantala ang impeachment trial ng pangalawang pangulo.
Sinabi ni Luistro na matagal nang naghihintay ang publiko ng mga kasagutan sa mga paratang kaugnay ng umano’y pagbabanta, confidential funds, panunuhol (bribery), at unexplained wealth mga isyung unang inilahad pa noong 19th Congress.
Dagdag ni Luistro, hindi nagbago ang mga alegasyong nakasaad sa kasalukuyang Articles of Impeachment at kapareho pa rin ng mga isyung inilahad noong 19th Congress.
Ayon naman kay Kabataan Party-list Rep. Renee Co, bawat araw ng pagkaantala ay isa ring araw na hindi natutugunan ang pananagutan sa paggamit ng pampublikong pondo at sa pamumuno. Para naman kay Diokno, matagal nang hinihintay ng publiko ang paglalatag ng ebidensya at ang katotohanan kaugnay ng impeachment case.